“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
”Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
“Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sa’yo kahit na pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“Pag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magagalit. Kasi may mga tao rin na mahal na mahal ka pero hindi mo sila makuhang mahalin. Kaya kwits lang.”
“Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
“Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kung hindi pagkukusa.”